Salamat sa mga..
Piniling umalis sa buhay ko. Actually, isa lang siya. Iyong best friend ko, I mean ex best friend. Salamat sa’yo kasi iyong mga pagkakamali ko dati naitatama ko dun sa ibang kaibigan ko. Mas maipabubuti ko pa ang paghahawak sa isang friendship, kasi natuto na ako sa nakaraan. Ang gulo ba? Basta madami akong na realize at maaring magamit ko iyon sa magiging future best friend ko. :’)
Dumating sa buhay ko. Napakadaming dumating sa buhay ko ngayong taong 2011, napakarami. Iba dito nakikita kong makakasama ko na sa panghabangbuhay. Ang iba naman dito, siguro panandalian lamang at dadaan lamang sa aking buhay. Pero okay lang alam ko namang may matutunan din ako sa kanila.
Madami ka talagang matututunang bagay sa mga taong dumadating at umaalis sa buhay mo ano? Nagiging sangkap sila para mas maipabuti mo pa iyong magiging buhay mo sa future, kasama mga taong mahal mo ano? Kaya salamat sa lahat. Sana ngayong 2012, manatili lahat ng tao sa buhay ko at wala nang umalis pa, at sana marami ring dumating..
1 year ago | 4 notestagged as: best friend. true friend. family. friend. bye. hello. 2011. 2012.
-
itsmepatriciaf posted this
theme by: heloísa teixeira
