
04.20.12 — BUKAS PA BIRTHDAY NIYA PERO NGAYON KO POST =)
HAPPY BIRTHDAY LOLO :’) — Ang dami kong gustong sabihin kaya sisimulan ko na, una sa lahat nalulungkot ako kasi wala na nga si Nanay, mag 60 years old ka ng wala si Nanay, ‘di man nakatikim si Nanay ng pensyon mo. Pero ayos lang ‘yon, alam naman natin masaya na si Nanay kung nasan na siya, at mas lalong masaya ‘yon kasi umabot ka Lolo ng 60, kahit siya hindi nakaabot, siyempre mahal ka noon :’) Ito na, kahit nagagalit ako kay Lolo kasi lagi akong PINAGHIHIGPITAN, as in. Ayos lang, naiintindihan ko naman, para naman sa akin iyon, sabi nga ni Nanay, tignan ko daw iyong mga anak nila ang gaganda ng paglaki kasi daw pinaghigpitan daw ni Lolo. Kaya ayos lang sa akin. Kahit, naiinis ako kasi paulit ulit akong pinapakain kahit kakain ko lang, ayos lang ‘yon. Kahit binibilan ako ng mga pagkain na ayaw ko, ayos lang din iyon, kahit lagi akong pinapagalitan, ayos lang iyon. Lahat ayos lang sa akin, kasi LOVE ko yan si Lolo, e. Hindi ko lang pinaparamdam, pero alam naman niya iyon. Si Nanay, alam niyan lahat kapag nagagalit ako kay Lolo, kasi nga masyadong mahigpit. Ngayong wala na si Nanay, si Lolo na lang nag aasikaso sa akin. Pinag titiyagaan talaga nila kaming magpipinsan kaya sobrang mahal ko sila. Akalain niyo iyon, tapos na sila sa obligasyon nila sa mga anak nila, pero ito pa rin sila nag-aalaga ng mga bata. Mahirap na siguro makahanap ng ganyang LOLA’T LOLO. Tipong simula pagsilang mo SILA na agad, kasi nga nagtratrabaho mga magulang mo. Sa lahat ng ginawa samin nila samin, kaming magpipinsan, nagpapasalamat. Mahal namin sila, sobra! Hindi nga lang ganoon kahalata. Kaya iyon, sana humaba pa ang buhay ni Lolo. Lalo na ngayon at wala na kaming Lola. Happy 60th birthday Lolo. Libre ka na sa sinehan. :’) Print ko mamaya, papabasa ko sa kanya :”> Naiiyak na ako!
1 year agotheme by: heloísa teixeira
